St.Francis praying before a crucifix by El Greco
-----------------------------------------------------------------------------Messenger wrote on Tue, 29 September 2009 23:40
Pag napatunayan mo AYON SA BIBLIYA na hindi diosdiosan ang mga rebulto ng mga KATOLIKO, talo na ako.
Tandaan mo lang na ang patutunayan mo ay mga rebulto ng mga katoliko at ang gagamitin mo ay bibliya.
-----------------------------------------------------------------------------
Peace!
Walang problema kapatid.
Unang punto:
Balikan muna natin yaong tanong ko:
Kung inutos ibig sabihin may "EXEMPTED" na mga imahe na aprubado ng Dios?
Sagot mo naman ay:
Ah Oo.
di ba?
Tinatanggap mo na may mga imahe na "EXEMPTED" at sa madaling sabi ay "HINDI LAHAT" na imahe ay dios-diosan.
Meron palang mga "APRUBADO" na mga imahe at "HINDI" labag sa unang utos ng Dios.
Papatunayan natin according sa Turo ng Iglesia Katolika, kung dios-diosan ba talaga ang mga imahe na siyang ginagamit ng mga katoliko.
The Christian veneration of images is not contrary to the first commandment which proscribes idols. Indeed, "the honor rendered to an image passes to its prototype," and "whoever venerates an image venerates the person portrayed in it."70 The honor paid to sacred images is a "respectful veneration," not the adoration due to God alone: (Catechism of the Catholic Church #2132)
At may nakasulat rin sa Banal na Kasulatan na yaong mga imahe ay niluhuran o nakadapa.
Joshua 7:6
6 Then Joshua tore his clothes and fell facedown to the ground before the ark of the LORD, remaining there till evening. The elders of Israel did the same, and sprinkled dust on their heads.
Sa ginawa ni Joshua na nakadapa sa harapan ng Arka ibig sabihin ba nun ay "Worhsip"? Syempre hindi because "Worship" is due to God alone, at kasi bawal na iyan sa utos ng Dios. Tinatawag namin itong "Veneration" - para sa mga SAGRADONG Gamit sa pagsamba.
For example: nakaluhod ka sa harapan ng Biblia ibig sabihin ba nun ay SINASAMBA mo yaong Biblia na siyang kaharap mo? alam ko na sagot mo. Hindi.
At yaong ginagawa naming mga katoliko na nakaluhod sa harapan ng mga imahe ay hindi ito dios-diosan. Ang ginawa naming mga katoliko ay kapareho sa ginawa ni Joshua.
At siguro alam mo na yaong pag-luhod o pag-bow - shows "RESPECT". Lalo na sa ibang bansa.
Ikalawang punto:
Sinabi mo na:
-------------------------------------------------------------------------
"lahat ng imahe na ipinagpruprusisyon at dinadasalan ng katoliko ay diosdiosan."-------------------------------------------------------------------------
Sinabi ko na sa unang punto ng pahayag ko at sayo mismo na may Exmepted na mga imahe. Yaong sinasabi mo na dinadasalan ay cover na sa unang punto. Kaya pagbibintang nalang yaong sinabi mo na dios-diosan ang mga imahe sa mga katoliko.
Pero baka hindi mo ma-gets e-review natin; sa talatang binigay ko sa taas Joshua 7:6 ano ba ginawa ni Joshua sa harap ng Arka? di ba nagdadasal? ganyan lang din ang ginagawa naming mga katoliko.
Kukunin natin yaong sinabi mo na ipinagpruprusisyon.
Hindi mo siguro nabasa sa Biblia na yaong mga imahe na Exempted ay pinoprosesyon din ng mga tao.
2 Sam. 6:1-51 David again assembled all the picked men of Israel, thirty thousand in number.
2 Then David and all the people who were with him set out for Baala of Judah to bring up from there the ark of God, which bears the name of the LORD of hosts enthroned above the cherubim.
3 The ark of God was placed on a new cart and taken away from the house of Abinadab on the hill. Uzzah and Ahio, sons of Abinadab, guided the cart,4 with Ahio walking before it,
5 while David and all the Israelites made merry before the LORD with all their strength, with singing and with citharas, harps, tambourines, sistrums and cymbals.
Yaong pinoprosesyon nilang Arka na sinakay sa mga kerubin ay dios-diosan? Hindi.
Yaong pinoprosesyon ng mga katoliko dios-diosan ba? Hindi pa rin.
Dahil yaong mga imahe naming mga katoliko ay "NAKAPANGALAN" sa Dios at sa mga santo. So ang naka-Represent pala sa mga imahe namin ay ang Dios, at hindi yaong mga dios-diosan, tulad ni Baal, Zeus, Venus etc. ito sabi ni San Pablo tungkol sa mga imahe ng mga dios-diosan.
People who worship Ball
1 Corinthians 8:4
4So then, about eating food sacrificed to idols: We know that an idol is nothing at all in the world and that there is no God but one.
1 Mga Taga-Corinto 8:4
4Patungkol sa mga pagkaing inihain sa mga diyos-diyosan, alam nating walang halaga ang diyos-diyosan sa sanlibutan. Alam nating wala nang ibang Diyos maliban sa isa.
Ayan, yaong mga dios-diosan ay WALANG HALAGA, it means na nag-representa sa "WALA".
Totoo ba si Baal, Zeus, Venus, etc.? Hindi.
Sino ba ang ni-representahan nila? Yaong mga planeta.
Yaong mga planeta Dios ba? Hindi.
Pero sa aming mga katoliko, sino ba ang ni-REPRESENTAHAN sa aming mga imahe? si Baal, Zeus, Venus, Mercury..etc. ba? Hindi. Kasi yaong ni-representahan ng mga imahe naming mga katoliko ay ang Dios mismo. Tulad sa nakasulat sa taas; the ark of God, which bears the name of the LORD of hosts enthroned above the cherubim.
Kung Hindi mo ma-gets yaong paliwanag ko. hehe! nasa sayo yan.
alam ko naman na hindi ninyo talaga tanggapin paliwanag namin.
But at least naka-share ako sa inyo at sinagot ko yaong mga maling paratang tungkol sa mga imahe namin.
Ave Maria!
No comments:
Post a Comment