Masama Ba Ang Sign of the Cross?
Isa sa mga kapatid namin sa Flock of the Divine Mercy ay nagtapat sa akin dahil siya ay nag-aaral sa isang school na hindi sumasang-ayon sa Paniniwalang Katoliko.
Ayon sa kanya, itong teacher nila sa Christian Life ay hindi na inirespeto ang kanilang paniniwala dahil masama daw ang Sign of the Cross at hinahamon pa sila ng debate.
Dumating naman sa punto na pati ako gustong hamunin sa isang discussion at ipaharap sa kanilang senior pastor daw. Deal ako, anytime, anywhere at kahit anong topic.
Matutoloy na ba? O hanggang hamon lang? Naghihintay na ako ng almost 1 week at wala paring update.
Anyway, hindi ko na kailangan banggitin ang pangalan ng religion na ito dahil magaling lang ito kung walang alam na mga katoliko ang mga kaharap nila.
Kailan kaya matutoloy at haharap ang mga ito sa isang maginoong debate? Noon pa man nangyari na rin ito at hindi natuloy - http://www.facebook.com/
Sana lumabas na itong mga taong ito at lumaban sa maginoong debate at huwag kayong maghamon o tirahin ng personal ang mga katoliko. Mag usap tayo tungkol sa aral ng biblia at hindi puro personal ang tirahin ninyo. Ang Ginagawa ninyo kasi eh kapag naiipit kayo sa debate dinadala ninyo sa personal ang isyu katulad na lamang sa comment ninyo na may mga katolikong naglalasing, nagsusugal at gumagawa ng mga katarantaduhan.
Kung yun ang inyong argument, napakahina niyan para patunayan na hindi sa Diyos ang Catholic Church. Kung ganito ang argument ninyo lalabas na pati ang samahan ni Cristo ay hindi sa Diyos dahil may isang hudas sa mga pinili niya.
"So Jesus said to the Twelve, “Do you want to go away as well?” Simon Peter answered him, “Lord, to whom shall we go? You have the words of eternal life, and we have believed, and have come to know, that you are the Holy One of God.” Jesus answered them, “Did I not choose you, the Twelve? And yet one of you is a devil.” He spoke of Judas the son of Simon Iscariot, for he, one of the Twelve, was going to betray him."(John 6:67-71)
Habang hindi pa tayo naghaharap sa debate, ito bigyan kita ng kapirasong information kung bakit nagsasign of the Cross kaming mga Katoliko at hindi ito masama dahil ito ang ginamit ng Diyos na sign para sa mga taong ililigtas niya.
TAU CROSS
Sa orihinal na Hebrew ay ang salitang "TAW" o "TAV" ang ginamit. Ang kahulugan ng "TAW" ay "mark" o "tanda."
Ang hugis ng TAW ay "x" o "+". Sa madaling salita ay hugis krus o cross.
At iyan po ang dahilan kung bakit isinalin ng Jerusalem Bible ang "TAW" bilang "CROSS."
Para sa mga Catholic Apologist, malinaw pong ipinakikita sa Eze 9:4 na Diyos mismo ang nag-utos na lagyan ng "x" o "+" o "krus" ang mga taong maliligtas sa Kanyang parusa.
Sa Eze 9:6 ay sinasabi:
Cut down old men, young men and young women, little children and women, but TOUCH NO ONE WHO HAS THE MARK [CROSS]. And begin at my sanctuary." So they began with the elders who were in front of the house.
Kaya nga po tayong mga Katoliko ay nagku-Krus bilang paniniwala at pagsampalataya
natin sa kaligtasang galing kay Kristo na doon din Niya sa Krus ibinigay sa atin.
Source: MASAMA BA ANG SIGN OF THE CROSS?
No comments:
Post a Comment