PAPANO UUNAWAIN ANG EXODO 20:3-5? By Reyden Ligtas Virtudazo
PAANO UNAWAIN ANG EXODO 20 : 3-5?
Malimit tayong mga katoliko ay pinupona ng ating mga kaibigan na nasa ibang bakuran ng pananampalataya, sa kadahilanang mali ang kanilang perception sa pagkakaroon natin ng mga imahen/rebulto sa loob ng ating simbahan o sa atin mang tahanan. Dahil diumano labag ito sa Biblia, gamit ang maraming talata para sabihin na tayong mga katoliko ay lumabag sa utos ng Dios.
Ex. 20:3-5
3 “Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin 4 “Huwag kang gagawa ng imahen o rebulto ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. 5 Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.
1Jn. 5:21
21 Mga anak, lumayo kayo sa mga diyus-diyosan.
Pah. 21:8
8 Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, ng mga taksil, ng mga nagpapasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, ng mga mamamatay-tao, ng mga nakikiapid, ng mga mangkukulam, ng mga sumasamba sa diyus-diyosan, at lahat ng mga sinungaling. Ang magiging bahagi nila’y sa lawa ng nagliliyab na asupre. Ito ang pangalawang kamatayan.”
Nota: ito’y ilan lamang sa napakaraming talata na kanilang ginagamit upang paratangan tayo na sumasamba sa diyus-diyosan. Kahit pa basahin natin lahat ang mga talatng kanilang ginagamit ito’y nauuwi lamang sa iisang talata ang Ex. 20-3-5
Paano natin ito unawain? Paano natin ito ipaliliwanag? Lumabag nga ba tayo?
Bilang isang pangkaraniwang katoliko, minabuti kong ibahagi sa inyo ang munti kong nalalaman sa biblia, dahil biblia ang gamit nila sa pagbatikos hinggil dito, biblia rin ang ating gagamitin sa pagsagot.
HINDI PO TAYO LUMABAG
Hihimayin natin ang talata
Una:
Sa verse 3 “Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin,” Tayo bang mga katoliko ay may sinasambang ibang dios maliban sa tunay na Dios na nasa langit? Wala po! Katunayan, sa tuwing nagsisimba tayo paglinggo sa mesa sinasambit natin ang ganito: sumasampalataya ako sa Dios na makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at ng lupa. Sino daw po ang Dios natin? Yong makapangyarihan sa lahat…. Hindi natin sinasabi na si Maria, Jose, Pedro, Pablo etc… o yong mga rebulto na nasa ding ding,,, at kung aawit ng papuri sa Dios ang mga katoliko ay kanyang sasambitin ang ganito: Papuri papuri papuri sa Dios sa kaitas-an at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulogdan niya. Kaya alam namin kung sino ang aming Dios, dito pa lang ay masasabi na nating sablay na ang kanilang paratang.
Ikalawa:
Sa verse 4 “Huwag kang gagawa ng imahen o rebulto ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin.” (Nota) sa pagbabasa natin ng biblia kinalailangan na lapatan natin ito ng tamang unawa….anong uri ng imahen/rebulto ang pinagbabawal? Mga imahen ng mga nilalang na iyong sasambahin bilang diyos o diyus-diyosan, ano itong diyus-diyosan? Sa tawag pa lang alam na natin na ito’y peke o huwad na diyos…. Iba ito sa tunay, yong makapangyarihan sa lahat. Ang susunod na tanong tayo bang mga katoliko ay may huwad o pekeng dios???????? Wala po! Kung ganon, si Birheng Maria, San Pedro, Pablo Jose etc..ay hindi diyus-diyosan sapagkat kaylan man hindi natin sila pinaniniwalaan na mga diyos, kaya ang kanilang mga larawan ay hindi rin puwedeng tawaging larawan ng diyus-diyosan. Maliwanag po ba?
Sabi nila…..Eh bakit kinalailangan pa na gawan sila ng mga larawan gayung ang sabi ay huwag kang gagawa ng imahen o rebulto ng anuman? Yan po ang pilit nilang sasabihin.
Ang salitang anuman ay hindi absolutong nangangahulogan na lahat na ng uri ng mga larawan ang ipinagbabawal gawin, kasi po kung susundan po natin ang ganitong unawa, lalabas na sinalungat ng Dios ang kanyang sariling utos….Narito sa talatang Ex. 20:3-5 ay bawal, pagkatapos sa Ex. 25:17-22 ay pinag-uutos gawin, ano yan??? Nakalimotan ba ng Dios na ipinagbabawal niya yon?
Ex. 25:17-22
17 “Gumawa ka ng Luklukan ng Awa na yari sa purong ginto. Ang haba nito’y 1.1 metro, at 0.7 metro naman ang luwang. 18 Lalagyan mo ng dalawang kerubing ginto ang dalawang dulo nito, 19 tig-isa sa magkabilang dulo. Ihihinang ang mga kerubin upang ito at ang Luklukan ng Awa ay maging iisang piraso. 20 Gawin mong magkaharap ang dalawang kerubin na parehong nakatungo, at nakabuka ang mga pakpak na nilulukuban ang Luklukan ng Awa. 21 Ilalagay mo ito sa ibabaw ng kaban na kinalalagyan ng dalawang tapyas na bato ng kautusang ibibigay ko sa iyo. 22 Doon tayo magtatagpo sa Luklukan ng Awa, sa pagitan ng dalawang kerubin; doon ko ibibigay sa iyo ang kautusan ko sa mga Israelita.
Ano ba ang tinatawag na kerubin? Ang mga kerubin ay mga anghel ng Dios, eh kung sinasabi sa talata na “ 18 Lalagyan mo ng dalawang kerubing ginto ang dalawang dulo nito” eh kung ginto yan eh di larawan nga yan….Kaya kung gagamitan natin ng tinatawag na sentido kumon, hindi lahat ng larawan ang pinagbabawal, Eh ano ang bawal? At ano naman ang hindi bawal? Ang bawal ay yaong larawan ng diyus-diyosan tulad ni astarot, baal, dagon etc.. at ang hindi naman bawal gawin ay yaong larawan ng mga lingkod ng Dios tulad ng kerubin…..Maliwanag na po ba?
Sabi nila…..Eh kerubin lang ang inutos na gawin at si moises ang inutosan hindi naman kasama ang mga katoliko sa inutosan? At tsaka sa katoliko iba’t ibang uri ng mga larawan nila di tulad ng pinag-uutos na keribin lang at di naman niluluhoran yon…..
Ang masasabi ko ay palusot na lang yan kasi napatunayan na natin na sablay ang bintang nila.
Larawan ng kerubin nga lamang ba ang ginawa at maaring gawin ayon sa palusot nila? Mali po! Ito kasing mga kaibigan natin na nasa kabilang bakoran ng pananampalataya, kung magbasa ng biblia yong gusto o pabor lang sa aral nila ang laging binabasa para gamitin pambatikos sa atin, hindi dapat ganon ang asal ng mga tinatawag na preacher, kasi po, kung laging pabor lang sa aral nila ang babasahin pagkatapos gamitin para tayo’y batikosin,,,,,, hindi po preacher ang dapat tawag sa kanila kondi batikista (pambabatikos)…… hindi din po mangangaral kondi mang-aasar yan dapat ang tawag sa kanila. Ganon pa man, hayaan n’yo po na sagotin natin ng buong husay ang batikos nila. Ang susunod na talata na ating babasahin ay para pabulaanan na kerubin lang ang ginawa at maaring gawin.
1 Har. 6: 23-29
Ang Loob ng Templo
23 Sa loob ng Dakong Kabanal-banalan, nagpalagay siya ng dalawang kerubin, imaheng nililok sa kahoy na olibo. Apat at kalahating metro ang taas ng bawat isa. 24 Kulang na dalawa’t kalahating metro ang haba ng bawat pakpak, kaya’t apat at kalahating metro ang sukat ng mga pakpak buhat sa magkabilang dulo. 25 Apat at kalahating metro rin ang sukat ng pangalawang kerubin, iisa ang sukat at hugis ng dalawa. 26 Apat at kalahating metro rin ang taas ng bawat kerubin. 27 Inilagay niya ang mga kerubin sa gitna ng Dakong Kabanal-banalan. Nakabuka ang kanilang mga pakpak, at sa gawing labas ay abot sa dingding ng silid ang tig-isa nilang pakpak. Sa gawing loob naman, ang mga dulo ng tig-isa nilang pakpak ay nagtagpo sa gitna ng silid. 28 Balot din ng gintong lantay ang dalawang kerubin.
29 Ang buong dingding ng Templo, maging sa Dakong Kabanal-banalan at sa Dakong Banal ay may ukit na mga kerubin, punong palma at mga bulaklak.
1 Har. 7: 27-30
27 Gumawa pa siya ng sampung patungang tanso para sa mga hugasan. Bawat isa’y dalawang metro ang haba at lapad; isa’t kalahating metro naman ang taas. 28 Ang mga ito ay ginawang parisukat na dingding na nakahinang sa mga balangkas. 29 Ang bawat dingding ay may mga nakaukit na larawan ng leon, baka, at kerubin. Ang mga gilid naman ng balangkas sa itaas at ibaba ng leon at baka ay may mga nakaukit na palamuting bulaklak na hugis korona. 30 Ang bawat patungan ay may apat na gulong na tanso at mga eheng tanso. Sa apat na sulok ng patungan ay may apat na tukod na tanso na siyang patungan ng hugasan.
Pansinin:
Kerubin
Baka
Leon
Bulaklak
Puno ng Palma
Tanong:
Bakit ngayon meron ng baka, leon, bulaklak at punong palma? Di ba inukit lahat yon, eh di larawan na naman yon….
Saang talata sa biblia na letra por letrang inutos ng Dios kay Solomon na gawin ang larawan ng baka, leon, bulaklak at puno ng palma?
At saang talata sa biblia na sinasabing kerubin lamang ang maaring gawin, tulad ng sinasabi nila?
At paano naman yong larawan ng ahas na tanso na inilagay sa tikin? Masasabi pa rin ba nila na kerubin lang ang pinagawa?
Bilang 21:8
8 at ganito ang sagot sa kanya ni Yahweh: “Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang mahabang kahoy. Sinumang natuklaw ng ahas at tumingin doon ay hindi mamamatay.” 9 Ganoon nga ang ginawa ni Moises. Kaya lahat ng natuklaw ng ahas ay tumitingin sa ahas na tanso at hindi nga namamatay.
Sentido kumon na naman mga kapatid ang dapat pairalin sa pagbabasa sa biblia. Kung si Solomon nagpagawa ng mga baka, leon atbp.. at ito’y inilagay sa loob ng templo ng Dios kahit na hindi tuwirang inutos ng Dios ang mga iyon, tsaka hindi din naman tumotol ang Dios,,, sa makatuwid puwede gumawa provided na hindi ito diyus-diyosan tulad nila astarot, baal, diana, dagon atbp…na para sa mga pagano na di pa nakakikilala sa tunay na Dios , si astarot, baal, dagon ay mga diyos. Ngunit kaming mga katoliko ay alam naming kung sino ang tunay na Dios at kung ano sina Maria, Jose, Pedro…..sila’y mga taong buong pusong naglingkod sa Dios na dapat nating tularan, kaya nga tulad ng bayaneng si Rizal na may rebulto kung saan saan para siya’y maalala nating mga Pilipino, gayon din naman inalala naming mga katoliko ang mga tunay na lingkod ng Dios sa pamamagitan din ng pagawa ng kanilang mga larawan.
No comments:
Post a Comment