QUOTE:
Huwag
na raw humirit. Salamat naman at may mga Katoliko na tinatablan din ng
kahihiyan sa mga pinaggagawang kahayupan ng mga pari niyo. Di kayo tumitigil ng
paninira sa amin then ayaw mo akong pasagutin. Ito ang sagot ko, ipost niyo at
sagutin kung may maisasagot pa kayo.
UNQUOTE:
Oo naman tinatablan
kami ng HIYA, tao kami eh, IKAW? Tinatablan kaba? And the rest of the
manalonian fanatic? Tinatablan ba kayo ng HIYA? Sana nga tinatablan kayo.
QUOTE:
Kung
ano-anong paninira at mga kasinungalingan ang sinasabi niyo laban sa INC. May
mga pahayag pa ang pari niyo na mga kabastusan laban sa aming Namamahala na
kung nakauunawa siya ng professionalism lalo pa nga at nagpapakilala siyang isang
pari sa Iglesia Katolika ay di niya dapat na gawin kahit di siya sang-ayon sa
mga paniniwala ng ibang relihiyon. Nakahanda ang INC na labanan siya sa isang
maginoo at makataong paraan ng pakikipagmatwiranan. Hinahamon na nga siya ng
INC na gumawa ng confirmation na siya ang lalaban sa INC sa public debate at
patunayan niya ang mga paninira niya at paratang laban sa INC. Takot naman ang
pari niyo na lumaban at hanggang sa blog lang siya nakikipagsagutan dahil sa
makapandaraya siya at makapagmumura at makapagsasalita ng mga kabastusan
hanggang gusto niya. Itinatago pa ang iba naming mga sagot na alam niya na lalo
siyang nalalantad sa kahihiyan.
UNQUOTE:
Paninira ba at
kasinungalingang matatawag ang magsabi ng totoo tungkol sa INCM? tinanong mo ba
sarili mo kung anung PANINIRA ang ginagawa niyo sa Catholic Church? Baka naman
pag pinakita ko sayo MASUKA ka sa mga KASINUNGALINGAN niyo? ito sasabihin ko
ulit ha, bakit ba ako andito? Bakit bako nag-isip na makipag participate sa mga
discussions against sa inyo? alam mo ang totoo? At alam ng DIYOS tong sasabihin
ko, DAHIL SA INYO KAYA NAKIPAG-PARTICIPATE AKO SA MGA DISCUSSION, ALAM MO KUNG
BAKIT? DAHIL HINDI NA MA-TAKE NG SIKMURA KO ANG PANINIRA NIYO SA SINASAMPALATAYANAN
KO. Tapos ngayon aaray ka dahil may sinabi sa inyo ang Pari namin? Bakit hindi
mo tingnan yang palpak niyong pasugo at alamin kung ano ang paninirang ginawa
ng manalo corporation sa mga Pari. Ito oh basahin mo. .
PASUGO Disyembre 1965, p.5:
“Kaninong Ministro kung gayon ang mga Paring Katoliko? Mga
Ministro ni Satanas na Diablo”
Oh diba? ano tingin mo
sa manalo management? MATINONG TAO BA? Wag na wag kang magmalinis dahil WALA
KAYONG KASINDUMI… kunyari bihis to the max kayo pagpasok niyo sa bldg ni
manalo, pero malinis ba ang budhi ng mga taong may maayos na damit pagpasok
niya diyan? Alalahanin mo yan! Sorry sa nadadamay na matinong tao, sa hindi
matino lang at plastic ang pinapatamaan ko.
Malaya kayong
naipapahayag ang saloobin niyo dito sa blog na to, sinasagot din naman kayo,
pero yang sinasabi mong takot ang Pari namin lumaban sa inyo, ang tanong ko
diyan “SINO BA KAYO PARA KATAKUTAN?” naisip mo ba yong mga ganong tanong?
HANGIN LANG ANG MERON KAYO, PURO DADA LANG ANG ALAM NIYO. kunyari naghahamon
pero ang totoo, hamon lang naman yan, hamon ng hamon ano purpose niyan? Para sabihin
ng mga mambabasa na ang galing-galing niyo dahil naghahamon kayo? Puro papuri
lang ang iniintindi niyo, bakit di kayo gumawa ng bagay na kapuri-puri sa
DIYOS? kahit di nakikita ng mata ng iba? Ang linis niyo magsalita, pero lahat
ng dada niyo malayo sa gawa niyo.
QUOTE:
Yang
mga sinasabi mo na mga isolated cases na diumano ay ginawang kasamaan ng mga
naging kaanib sa INC ay walang kinalaman ang INC at kailanman ay di
sinasang-ayunan ng INC ang masama nilang ginawa. Ang INC mismo ang gumagawa ng
pansariling pagsisiyasat para malaman ang katotohanan at kapag napatunayan na
sila ay nagkasala at di paratang lang ay itinitiwalag sila sa Iglesia. Dapat
nyo ring malaman na wala kaming sinasabi na lahat ng mga umanib sa INC ay
matuwid o di gumagawa ng kasamaan. Mayroong mga BACKSLIDERS. Kaya lagi kaming
tinuturuan ng pagbabagong-buhay at paglayo sa lahat ng uri ng kasamaan.
Sinasaway, itinutuwid ang gumagawa ng masama. Kung sa kabila ng mga pagtuturo,
pagtutuwid at pagsaway ay magpapatuloy pa rin sa kasamaan ang sinuman ay
itinitiwalag sila sa Iglesia.
UNQUOTE:
Bakit ano tingin niyo
sa Catholic Church? Nag-aalaga ng kriminal? Ano tingin niyo sa Catholic Church
kumukunsinti ng kriminal? Diyan palang sablay na kayo, at PANGHUHUSGA LANG
TALAGA ANG ALAM NIYO. pag kami nagsisimba, hindi tinuturo sa simbahan na dapat
kampihan ang taong gumagawa ng hindi maganda, bagkus ipanalangin siya, tinuturo
pa nga samin ang kasabihang IBIGIN MO ANG IYONG KAAWAY tingin mo sino ang
makakagawa ng ganun? Galit ka sa tao pero kailangan mo siyan ibigin? Kalokuhan diba?
pero ganun ang dapat.. hindi sinabi sa simbahan na pabayaan lang ang gumagawa
ng hindi matino. Pero naniniwala ang simbahan na lahat ng tao ay may KARAPATANG
MAGBAGO, lahat ng TAO AY DESERVING sa tinatawag na SECOND CHANCE, at pag ikaw
binigyan ng second chance san mo gagamitin yon? Sa katarantaduhan parin ba? Ikaw
mismo ang makakapagpapatino sa sarili mo, hindi ang Simbahan, dahil ang
simbahan ay nagsisilbing gabay lang, at ikaw dapat umaksyon sa mga bagay na
gusto mong ituwid sa sarili mo.. kayo naman pag nagkasala ang isang member
niyo, ititiwalag niyo, hindi nga ni manalo matiwalag sarili niya samantalang
MAN OF LOW MORALS siya eh, ano ibig sabihin nun? anong karapatan niyong gawin yan? Si KRISTO ba
kayo? Kayo ang nagsilbing hukom dun sa tao, si KRISTO ba kayo?
Alalahanin mo din si
Kristo ay nakituloy sa bahay ng isang makasalanan,
LUKE 19:7
7 Lahat
ng nakakita nito ay nagbulung-bulungan. "Nakikituloy siya sa isang
makasalanan," sabi nila.
Bakit ba naparito si
Kristo para kanino? Para hanapin ang naliligaw
LUKE 19:10
10 Ang
Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naligaw."
Diba? ang gusto niyo
palabasin na lahat ng tao sa inyo matuwid, ang tanong kaya niyo bang mamuhay ng
matuwid? Samantalang sa gawa niyo palang baluktot na, nanghuhugasga kayo
samantalang wala naman kayong karapatan.
Hindi ko sinasabi na
kailangan munang magkasala para mahanap niya si Kristo, ang sinasabi ko lang
ang makasalan ay hindi dapat tinataboy dahil lahat yan may pagkakataong magbago
may karapatan siyang hanapin si Kristo. Sa inyo tinataboy niyo, bakit? Dahil mantsa
siya sa manalo corporation, dahil magiging tinik sa dadaanan ng manalo
management dahil tingin niyo sa sarili niyo perpekto.. (wish mo lang)
Mabuti inamin mo na
hindi lahat ng umanib sa inyo matuwid, actually may alam akong kunti na
matitino sa inyo, at kawawa sila dahil nadadamay sa mga tulad niyong
nagmamalinis lang.
QUOTE:
Ang
sabi ni Apostol Pablo ay itiwalag ninyo ang masamang kasamahan ninyo. Ganyan
ang ginagawa sa INC na nakasalig sa aral ng Biblia.
UNQUOTE:
1 COR
5:13
12-13
Kung sabagay, wala akong karapatang humatol sa mga hindi Cristiano; ang Diyos
ang hahatol sa kanila. Hindi ba't ang mga nasa loob ng iglesya ang dapat
ninyong hatulan? Sabi nga sa kasulatan, "Itiwalag ninyo sa inyong samahan
ang masamang tao."
ANO SABI
NI SAN PABLO? WALA SIYANG KARAPATANG HUMATOL...KAYO HUMAHATOL NA..TAMA? at
matanong ko lang ano ba unawa niyo sa sinabi ng kasulatan na "Itiwalag
ninyo sa inyong samahan ang masamang tao."? Kasama ba dun ang mga taong
nagkakasala pero gusto magbago?
Para sa akin, kaya
sinabi ni San Pablo yon, dahil dito. .
|
Saints Peter and Paul
|
1 COR 5:11
11 Ang
tinutukoy ko na huwag ninyong papakisamahan ay ang nagsasabing sila'y Cristiano
ngunit nakikiapid, sakim, sumasamba sa diyus-diyosan, nanlalait, naglalasing,
at nagnanakaw. Ni huwag kayong makikisalo sa ganyang uri ng tao.
Sabihin mo nga samin,
kung wala kayong Gawain isa manlang diyan sa nabanggit ni San Pablo. Kung wala
kayong Gawain isa manlang sa nabanggit diyan, eh di kayo na…kayo na talaga,
pero sorry di ako naniniwalang wala kayo diyan. Ka-EPOKRITUHANG maliwanag kung
sasabihin niyong wala.
QUOTE:
Ang
di niyo pagtitiwalag sa mga masasamang kaanib sa inyo pari man o laiko ang
nagbabagsak sa inyong simbahan kaya parami ng parami ang mga mga miembro niyo
na sangkot sa katakot-takot na kasamaan at kasuklam-suklam na mga gawain at
nabubuhay na sa maruming pamumuhay pero namamalagi pa rin sa simbahan niyo.
Walang maniniwala sa inyo na di ninyo kinukunsinti ang mga miembro niyo na
nabubuhay na sa kasamaan. Ang di niyo pagtitiwalag sa mga dapat ng alisin sa
simbahan niyo ay isang uri ng pagkunsinti sa kanilang kasamaan kaya nadadamay
pati ang simbahan niyo sa kanilang kasamaan. Hindi niyo kasi sinusunod ang turo
ng mga Apostol, itiwalag ninyo ang masamang kasamahan ninyo.
UNQUOTE:
May pagbagsak issue
kapa talaga ha, wag kang managinip ng gising baka bangungutin ka niyan..
masamang managinip ng gising baka mental ang bagsak mo.. kayo narin ang nagsabi
na may mga Paring nakukulong diba? patunay yon na hindi kinukunsinti ng
Simbahan, ano ba ang alam niyo sa loob ng Simbahan ni Kristo? (kami yon) WALA! Ang
papel niyo lang samin ay ang HUMUSGA, ang masasabi ko lang din ang nagkakasala
sa batas ng tao ay may karampatang parusa, ang nagkakasala sa batas ng DIYOS ay
may karampatang parusa din, bakit yong founder niyo hindi niyo matiwa-tiwalag
dahil sa mga kasalanan niya? Dahil ba founder niyo siya? Oo nga naman ano,
hindi pwedeng tanggalin ang founder, so, bagsak kana diyan agad, ang galing mo
mamuna sa Pari at Laiko etc…sa Catholic Church, pero buntot ng sinusunod mo
dimo napansin. Walang kunsinti issue sa Catholic Church, nagbibigay ng SECOND
CHANCE para sa gustong magsisi meron dahil si Kristo naparito hindi lang para
sa MATUTUWID. Wala kang karapatang humusga dika si KRISTO, nagkukunyari lang
kayong na kay Kristo.
Ano sabi ng Panginoong
Jesus?
MATTHEW 9:13
13
Humayo kayo at unawain ang kahulugan nito: 'Habag ang nais ko at hindi ang
inyong handog.' Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi
ang mga matuwid."
So
ano na? sinasabi niyong makasalanan kaming mga Catholic, naparito si
Kristo para samin hindi para sa inyo, perpek-perpektuhan kayo diba?
QUOTE:
Hindi
lamang ang napakaraming mga kaanib niyo ang gumagawa ng mga karima-rimarim na
mga pagpatay at kahayupan kundi sangkot mismo ang inyong mga naging mga papa na
kinikilala niyong puno ng Iglesia Katolika at mga obispo na nagpapalakad ng
inyong simbahan. Yan ang sinasabi ng kasaysayan na pinakamaitim na batik sa
inyong kapapahan na di niyo kayang tutulan at ipagsanggalang. YAN ANG ISA SA
MGA KATUNAYAN NA HINDI ANG IGLESIA KATOLIKA ANG TUNAY NA SA DIYOS AT KAY
CRISTO.
UNQUOTE:
Wow karma-rimarim… OA
mo, mas hayop pa sa Gawain ng founder mo? MAN OF LOW MORALS ang founder mo, so,
since subordinate ka nya ganun ka din LOW MORALS ka din.
basahin mo nalang yan
ha. Okey? dahil yan ang KATUNAYAN KO NA HINDI KAYO KAY KRISTO… pero kami kay
KRISTO bakit? Dahil kami ang tatag ni KRISTO.
ACT 23:11
At nang sumunod na gabi ay lumapit sa kaniya ang Panginoon, at
sinabi, Laksan mo ang iyong loob: sapagka't kung paano ang pagkapatotoo mo
tungkol sa akin sa Jerusalem, ay kailangang patotohanan mo rin gayon
sa Roma.
Ang Simbahang Katoliko
ay sa Roma ang Sentro wala sa kadiliman ng QC. Okey? kaya palpak ka sa mga
KASINUNGALINGAN MO, nag-dialogue kapa at sabihing karima-rimarim… ikaw ang
karima-rimarim dahil SINUNGALING KA. ginagamit niyo ang kasaysayan sa marketing
strategy niyo, na akala niyo naman maniniwala kami. Sino ba KATOLIKO kami o
kayo? Yan ang maliwanag na PANINIRA.. at diyan kayo nabubuhay sa PANINIRA.
|
Blessed Mother
|