Eli Soriano sitting wearing his jewelries
MAY TINANONG akong alagad ni Eliseo Soriano. Sabi ko sa kanya, MAPATUTUNAYAN MO BA NA DIYOS ANG NAGSUGO KAY SORIANO?
HINDI SIYA NAKASAGOT.
HINDI ko MASISISI ang kahit na sinong napaniwala ni Soriano kung HINDI nila MAPAPATUNAYAN na si KRISTO ang NAGSUGO kay SORIANO.
Bakit? Dahil HINDI SI KRISTO ang NAGSUGO kay SORIANO.
Si SORIANO mismo ang UMAMIN sa kanyang programa na ang kinikilala niyang "sugo" ay si NICOLAS ANTIPORDA PEREZ.
Si Perez ang nagtatag ng samahang "Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus: Haligi at Suhay ng Katotohanan."
Ipinagmamalaki ni SORIANO na si Perez ang NAGTURO sa kanya.
Kaya noong natuto si Soriano ay SINUGO siya ni PEREZ at HINDI ni KRISTO.
Ayon mismo kay Soriano, noong mamatay si Perez ay NAGSARILI SIYA at NAGTATAG ng SARILI niyang samahan.
Dito ay sinasabi na niya na HINDI NA si Perez ang nagsusugo sa kanya.
SINUSUGO na ni SORIANO ang SARILI NIYA.
Diyan pa lang ay KITANG-KITA nang HINDI SI KRISTO ang NAGSUGO kay SORIANO .
Ang NAGSUGO kay SORIANO ay si SORIANO RIN. Tama ba ‘yon?
Kahit ang Panginoong Hesus ay SINUGO ng AMA. Si Soriano SARILI ang NAGSUGO.
Ano ba ang sinasabi ng Bible tungkol sa mga taong nagsusugo sa sarili nila?
Ganito ang sinasabi sa John 7:18, "Sino man na nagsasalita PARA SA KANYANG SARILI ay ginagawa ito para MAGDALA ng KARANGALAN SA KANYANG SARILI."
"Pero siya na gumagawa para sa ikararangal ng NAGSUGO sa kanya ay TOTOO. Walang kalikuan sa kanya."
Nakikita ninyo? Sino raw ang NAKIKINABANG kung PANSARILI LANG ang ginagawa ng isang tao?
Siya rin!
Kaya kung papansinin ninyo, SINO ANG BIDA sa pangangaral ni Soriano?
Hindi ba siya?
Ilang beses na po ba ninyo narinig na sinabi ni SORIANO ang ganito:
"Hindi sa pagyayabang eh NAUUNAWAAN KO ang sinasabi ng Bibliya."? -E.Soriano
Sabi pa niya, "Kahit patay ang ilaw ay mababasa KO ang Bibliya." -E.Soriano
Heto pa, "AKO LANG naman ang pastor ngayon na ANG LAHAT ng ITINUTURO ay NASUSULAT EH!" -E.Soriano
Sino po ang IBINIBIDA ni Soriano sa mga pananalita niyang ito?
Ang Diyos ba? Hindi.
Si Kristo ba? Hindi rin.
Hindi ba si ELISEO SORIANO ang SIKAT at BIDA sa mga sinasabi niya?
At bakit hindi siya ang makikinabang o magiging sikat sa kanyang mga salita eh PINATUPAD niya sa sarili niya ang sabi ng John 7:18?
ISINUGO niya ang kanyang sarili at NAGSASALITA siya ng PARA SA SARILI NIYA. Kaya SINO ang BIDA?
Paninira ba ito?
Kayo na po ang humusga.
Noon pa po ay sinabi ko nang ang layunin ng column na ito ay TULUNGAN ang mga KATOLIKO na MAKITA ang KATOTOHANAN, partikular sa mga MALING SINASABI LABAN sa Iglesiang ITINATAG ni Kristo.
Para po ito sa Iglesia at sa mga miyembro nito na INILILIGAW mula sa KATOTOHANAN.
Source: Eliseo Soriano sino ang nagsugo?
Translation:Google Translate
No comments:
Post a Comment