Iglesia ni Cristo (Manalo, 1914)
IGLESIA NI CRISTO ITINURING
AT TINAWAG NA AMA ANG KANILANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN
Ang mga Katoliko ay may pag-galang sa mga
pinuno ng kanilang Iglesia. Itinuturing nila ang mga namiminuno sa Iglesia
kagaya ng mga pari at ng Obispo ng Roma bilang mga “ama.” Alinsunod ito sa
halimbawang ibinigay ni Apostol Pablo na kung saan itinuturing niyang mga “anak”
ang kanyang mga tagasunod at inihaharap niya ang kaniyang sarili sa kanila bilang isang “ama”:
“Hindi ko sinusulat ito para
hiyain kayo. Pinapayuhan ko lang kayo bilang mga anak kong minamahal. Kasi,
kahit magkaroon kayo ng sampung libong tagapagturo ukol kay Cristo, iisa lang
ang inyong ama sa pananampalataya. Mga anak ko kayo sa
pananampalataya kay Cristo Jesus, dahil ako ang nangaral sa inyo ng
Magandang Balita” (1 Cor. 4:14-15, Ang Buhay na
Salita).
Ang Buhay na Salita Biblia
Malinaw na si Apostol Pablo ay ama sa
pananampalataya ng kanyang mga tagasunod na kanya namang inaring
mga anak
sa pananampalataya. Ganun din
si Apostol Pedro. Ang turing niya kay Marcos na kanyang alagad ay bilang isang
anak sa pananampalataya: “kinukumusta rin
kayo ni Marcos, ang mahal kong anak sa pananampalataya” (1 Pedro 5:13,
Magandang Balita Biblia). Kung anak sa pananampalataya ang turing ni
Pedro kay Marcos, natural lamang na ama sa pananampalataya ang turing ni Marcos
kay Pedro.
Ganyan na ganyan ang turing ng mga Katoliko sa
mga pinuno ng kanilang Iglesia. Ang mga pari ay itinuturing naming ama sa
pananampalataya sapagkat si Apostol Pablo ay nagpakilala bilang pari: “Ako’y itinalaga niya bilang pari ni Jesu-Cristo,
at ginagampanan ko ang aking tungkulin bilang pari sa pagdadala ng
Mabuting Balita mula sa Dios para sa mga hentil, at upang sila ay maging
katanggap-tangap na handog, na pinabanal ng Espiritu Santo” (Roma 15:16, New
Jerusalem Bible, sa pagkakaliwat ng may
akda sa Filipino).[1]
Ginawan ng rebulto si Felix Y. Manalo na kinikilalang "more than a loving father to us" ng Iglesia ni Cristo
Felix Manalo: More than a loving Father
Ngunit hindi lamang ang mga Katoliko ang may
pagturing na “ama” sa pinuno ng Iglesia. Sa Iglesia
ni Cristo (1914), si Felix Y. Manalo ay hindi lamang itinuturing na ama
bagkus ay bilang isang “higit pa sa
mapagmahal na ama.” Binabanggit sa Pasugo, ang opisyal na babasahin ng Iglesia ni Cristo (1914), ang ganito ukol kay Felix Manalo: “He was more than a loving father to us …” (Pasugo, May 1968, p. 37).
Pasugo, May 1968, p. 37: "He [Felix Manalo] was more than a loving father to us ..."
Eraño G. Manalo: “Itinuturing ko siya na para kong tunay na ama”
Ganun din ng mamatay si Eraño G. Manalo. Patungkol
sa yumaong Pinunong Pangkalahatan ng Iglesia
ni Cristo, sinabi ng isang artistang kaanib ng Iglesia ni Cristo na si Klaudia Koronel, “Itinuring
ko siyang para kong tunay na ama.”[2]
Dating starlet na si Klaudia Koronel: Itinuturing na tunay na ama si Erano G. Manalo
(larawan: www.pep.ph)
Huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa (Mateo
23:9)
Gamit na gamit ng Iglesia ni Cristo ang Mateo 23:9 sa kanilang patutsada sa pagtawag
ng mga Katoliko sa mga pari (at Papa) ng ama:
“At huwag ninyong tawaging inyong ama
ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y
siya na nasa langit” (Mateo 23:9, Ang Biblia).
Binabanggit sa talata na huwag tatawaging ama
ang sinumang tao sa lupa. Ngunit, may pagkakataon ba na tinawag ng Iglesia ni Cristo na ama ang isang tao
sa lupa?
Iglesia ni Cristo kinakausap ang patay
Noong mamatay si Eraño G. Manalo noong 2009,
ang artistang si John Regala na isang Iglesia
ni Cristo noong panahong iyon ay “Tatay Erdie”
ang tawag sa nasirang Pinunong Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo. Ayon sa ulat
ng Philippine Entertainment Portal:
“Sa ikalawang gabi ng
burol, September 2, dumalaw ang character actor na si John Regala. May lungkot
sa kanyang pananalita nang hingan ng pahayag ng PEP (Philippine Entertainment
Portal) bilang pakikidalamhati sa mga naulila ng kung tawagin niya'y si "Tatay
Erdy."
Ani John: "Sa pagpanaw ng Tatay Erdy, hindi
maipaliwanag ang aking nararamdaman. Sobra akong nalulungkot sapagkat
hahanap-hanapin ko ang pagmamahal at mga kabutihan na ipinadama at ginawa niya
sa akin.
John Regala tinawag na "Tatay Erdie" si Erano Manalo
"Marami kaming
happy moments ng Tatay Erdy noong malakas pa siya, ngunit masaya rin ako
dahil nakapagpahinga na ang Tatay Erdy. Napagtagumpayan niya ang
tungkulin niya sa Diyos. Natapos niya ang kanyang takbuhin na walang
pagkukulang sa aming lahat na kaanib ng INC. Pinagtibay [niya] ang
aming pananampalataya. Pagdating ng araw, muli ko siyang makakasama doon sa
bayang banal. Hanggang sa muling pagkikita, Tatay Erdy. Mahal
ko po kayo."[3]
Ano ang ibig sabihin ng “tatay”? Hindi ba “ama”?
Ayon sa Wikipedia: “As a child you
would refer to your parents as "Ama" (Tagalog formal for Father) or "Tatay" (Tagalog informal for Father).[4]
Ano naman ang sinasabi sa Tagalog-Dictionary.Com?
tatay
t´atay n. father (term of address and reference)[5]
t´atay n. father (term of address and reference)[5]
John Regala: Kinakausap ang patay na si Erano Manalo, "Hanggang sa muling pagkikita, Tatay Erdie. Mahal ko po kayo."
(larawan kuha ng www.pep.ph)
Malinaw na si Eraño G. Manalo ay tinawag na “tatay” o “ama” ng hindi niya anak sa laman. Ano ang sabi ng Biblia? “At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa:
sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit” (Mateo
23:9, Ang Biblia).
From the blog of dhaymes sarah
Kung gayon, bakit abot hanggang-sukdulan ang pagkondena ng Iglesia ni Cristo sa mga Katoliko na tumatawag ng “ama” sa kanilang mga pinuno samantalang ang Pinunong Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo ay tinawag ding “tatay” o “ama” ng isang Iglesia ni Cristo na hindi niya anak ayon sa laman? Hindi ba malinaw na kapaimbabawan ito?
Iglesia ni Cristo inaalayan ng
bulaklak ang larawan ni Erano G. Manalo at sinasabihan ng "Maraming
salamat po Kapatid na Erano G. Manalo"
(larawan kuha ng Inquirer.net)
“Dahil dito'y wala kang madadahilan, Oh tao,
sino ka man na humahatol: sapagka't sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong
sarili ang hinahatulan mo; sapagka't ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng
gayon ding mga bagay. At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa
katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay. At iniisip mo baga ito, Oh tao, na humahatol
sa mga nagsisigawa ng gayong mga bagay, at ginagawa mo ang gayon din, na
ikaw ay makatatanan sa hatol ng Dios?” (Roma 2:1-3).
Sa Iglesia ni Cristo (1914): "At
iniisip mo baga ito, Oh tao, na humahatol sa mga nagsisigawa ng gayong
mga bagay, at ginagawa mo ang gayon din, na ikaw ay makatatanan sa hatol
ng Dios? (Roma 2:3)
[1] “He has appointed me as a priest of
Jesus Christ, and I am to carry out my priestly duty by bringing the
Good News from God to the pagans, and so make them acceptable as an offering,
made holy by the Holy Spirit” (Rom. 15:16, NJB).
Source:IGLESIA NI CRISTO ITINURING AT TINAWAG NA AMA ANG KANILANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN
Translation:Google Translate
Ang ama po na tawag ng INC sa mga namumuno ay Hindi ama na turing ay diyos. Hindi po mapipigilan ang mga kapatid na tawaging ng ganun ang mga namumuno bilang pag galang at hindi bilang isang diyos, Hindi po tulad ng sa katoliko ang PAPA ay isang tradisyunal at nakasanayan ng tawag, Pero ang pinaka tawag po sa mga namumuno tulad ng ministro sa inc ay KAPATID maging po ang ibang miyembro :)))
ReplyDeleteMagandang Araw sa iyo...^_^
DeleteAyan at nakuha moh ang punto...Nakita po natin nah HINDI BAWAL ang PAGTAWAG sa isang tao nah AMA...DAHIL AYON SAYO MISMO nah:
"Hindi ama na turing ay diyos" - Anonymous Dec.2,2012 11:32 PM
Ngayon...Do the Catholics TREAT THE POPE AS GOD?? the answer is NO...
What you hear from your ministers are all lies that the Catholics treat the Pope as God.. Sorry to tell you that.. :(
Yes it's traditional and Biblical...and the same answer that we do not treat the Pope as God...
Pax!
9At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit.
ReplyDeleteeh di wag mong tawaging tatay o ama ang tatay mo.tatay din tawag ko sa biyanan ko. tatay din sa kapitbahay kasi malapit talaga ako don.
tigilan na natin silang tawaging tatay.LOLS
May dalawang tinutukoy yata dito, espiritual at physical.baka ang tinutukoy dito ay espiritual.
Ehehehe...
Deleteit Eraño Manalo is your PHYSICAL FATHER? If yes! then so be it you can call him your father...
IF NOT...
What is Eraño Manalo if he is NOT you PHYSICAL FATHER?
or
Why you/they call him father you/they are NOT RELATED to E.Manalo?
That very much answers your question.
It is wrong to call someone your spiritual father or father of souls. It is not wrong to call someone father or tatay as a term of endearment especially if that person is your biological father of did a great deal to care for you as a father. But what Christ is referring to is do not call any man a spiritual father. The catholic faith teaches to call priests a spiritual father or father of souls.
ReplyDeleteThere's already an article about your protest.. :)
DeleteJust follow the link below.. :)
http://katekista-ako2007.blogspot.com/2010/01/catholic-crime-of-calling-priests.html