Prayer Before Reading Our Blog

Come Holy SpiritCome Holy Spirit, fill the hearts of your faithful and kindle in them the fire of your love.


V. Send forth your Spirit and they shall be created.


R. And You shall renew the face of the earth.


O, God, who by the light of the Holy Spirit, did instruct the hearts of the faithful, grant that by the same Holy Spirit we may be truly wise and ever enjoy His consolations, Through Christ Our Lord, Amen.


Prayer for Enlightenment

O Holy Spirit, divine Spirit of light and love, I consecrate to Thee my understanding, my heart and my will, my whole being for time and for eternity. May my understanding be always obedient to Thy heavenly inspirations and the teachings of the holy Catholic Church, of which Thou art the infallible Guide; may my heart be ever inflamed with love of God and of my neighbor; may my will be ever conformed to the divine will, and may my whole life be a faithful following of the life and virtues of Our Lord and Savior Jesus Christ, to whom with the Father and Thee be honor and glory for ever. Amen.




Tuesday, September 18, 2012

Eliseo Soriano bakit dapat pag-usapan?

Eliseo F. Soriano


MAY POST po si DBASE kaugnay sa MANGANGARAL NIYANG si ELISEO SORIANO, ang NAGTATAG ng grupong ANG DATING DAAN at CHURCH OF GOD INTERNATIONAL.

Gusto ko po kasing TALAKAYIN ang pagiging "MANGANGARAL" ni ELISEO SORIANO dahil NAGBABALA ang PANGINOONG HESUS laban sa mga BULAANG PROPETA at BULAANG MANGANGARAL.

Sabi ng PANGINOONG HESUS sa Matthew 24:4-5, 11, 24-26:

At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.

At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.

Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.

Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo.

Kaya nga kung sa inyo'y kanilang sasabihin, Narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan.


Ganito po ang sagot ni DBASE:

Magandang araw po. Tama po na pinag-iingat tayong ng Panginoon tungkol sa mga bulaang mangangaral na darating. Kaya nga may gabay na ibinigay si Cristo e:

Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili.--Juan 7:17

Maliwanag po na ang mahalagang mapakinggan at masuri ay ang turo. Kung nais kong gumawa ng kalooban ng Dios dapat ay sa aral ako makinig at malalaman ko kung ito'y totoo o hindi.

Hindi ang mangangaral ang kailangang tingnan.

Kung may mga darating na bulaang mangangaral (na marami na ngayon), hindi sila ang dapat na alalahanin kundi iyong sinasabi nila gaya na din ng mga isinulat ninyo sa Mateo.

Bakit po gusto ninyong pagusapan ang mangangaral ko? Wala na ba kayong maikatwiran kaya siya naman ang gusto ninyong pagbalingan?

Hindi mahalaga kung bagong litaw siya sa paningin ninyo. Ang mahalaga ay ang itinuturo niya.

Kahit pa po sa kaniya ninyo mismo narinig, may mga hindi pa kayo naririnig batay sa mga isinulat ninyo.

Ako nga hindi ko na pinupuna ang mga pari ninyong nakakasuhan ng mga kasong panghahalay. May nakita pa nga akong paring nanakit ng babaeng nasa harap lamang niya.

Uulitin ko po, aral ang pinag-uusapan natin at hindi mangangaral.

Salamat po.



AGREE po AKO sa IBINIGAY na TALATA ni DBASE: MAKIKILALA ang MANGANGARAL sa pamamagitan ng KANYANG ITINUTURO.

MALINAW ring MABABASA sa IBINIGAY ni DBASE na JOHN 7:17 na ang ARAL na IYAN ay DAPAT GALING sa DIYOS at HINDI LAMANG sa SARILI ng NANGANGARAL.

At DIYAN po nagiging LALONG MAHALAGA na PAG-USAPAN si ELISEO SORIANO bilang MANGANGARAL. DAPAT kasi NATING MALAMAN kung ang ARAL NIYA ay GALING SA DIYOS o GALING LAMANG sa KANYANG SARILI.

Sa puntong iyan ay NAUUNAWAAN KO si DBASE kung BAKIT AYAW NIYANG MATALAKAY ang MANGANGARAL NIYANG si ELISEO SORIANO.

Kapag SINURI po kasi NATIN si ELISEO SORIANO ay MALINAW na LALABAS na ang ARAL na DALA NIYA ay HINDI GALING sa DIYOS kundi GALING LAMANG sa KANYANG SARILI.



Sa NAPAKA-SIMPLENG PARAAN ay MAKIKITA NATIN kung ang ARAL ng isang MANGANGARAL ay GALING sa DIYOS o kung GAWA-GAWA LANG IYON nung MANGANGARAL (daw) na IYON.

Ang SIMPLENG PARAAN ay DIYOS MISMO ang NAGTURO at NAGBIGAY sa ARAL na DALA ng ISANG MANGANGARAL.

Ganito po ang SINASABI ng PANGINOONG HESUS KAUGNAY sa ARAL na GALING sa KANYA:

Matthew 28:19-20:
Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ITURO NINYO SA KANILA na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay NA INIUTOS KO SA INYO: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.


DIYAN po ay MAY KAUSAP ang PANGINOONG HESUS.

SINO ang KAUSAP?

SILA ang mga KAANIB ng IGLESIANG ITINAYO ng PANGINOONG HESUS NOONG UNANG SIGLO.



MAKIKITA rin NATIN sa talata na MAYROONG INIUTOS ang PANGINOONG HESUS sa mga KAANIB ng IGLESIA noong UNANG SIGLO.

Una, ang "magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:"

Pangalawa, "ITURO NINYO SA KANILA na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay NA INIUTOS KO SA INYO:"



So, MAY ITUTURO pala sa mga GAGAWING ALAGAD.

Ang MAGTUTURO ay ang mga ALAGAD na KASAMA sa UNANG IGLESIA. SILA ang mga MANGANGARAL.

Ang ITUTURO ay ang IBINIGAY MISMO ni KRISTO sa KANILA. IYAN ang ARAL.



TANONG: Si ELISEO SORIANO po ba ay KAANIB ng IGLESIA na ITINAYO ng PANGINOONG HESUS noong UNANG SIGLO? KASAMA ba SIYA sa mga ITINALAGA ng DIYOS upang MANGARAL?

HINDI.

KASAMA ba SIYA sa mga MANGANGARAL na NABIGYAN MISMO ng ARAL ni KRISTO o ng ARAL NG DIYOS (tulad ng sinasabi sa John 7:17)?

HINDI.



Si ELISEO SORIANO ay HINDI NAATASAN ng DIYOS at HINDI SIYA NASUGO upang MANGARAL.

Si ELISEO SORIANO rin ay HINDI NABIGYAN ng ARAL na GALING MISMO sa DIYOS.



So, KANINONG ARAL ang DALA ni ELISEO SORIANO?

Ayon mismo KAY ELISEO SORIANO, ang NAGTURO sa KANYA ay ang MANGANGARAL NIYANG si NICOLAS PEREZ.

Si PEREZ (batay sa mga nakalap nating impormasyon) ay DATING MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO na ITINAYO ni FELIX Y. MANALO sa PUNTA, STA. ANA, noong HULYO 27, 1914. So, MALINAW po na HINDI GALING kay KRISTO ang NATUTUNAN ni PEREZ.

Samantala, mula nang mamatay si Perez ay NAKAGAWA NA si ELISEO SORIANO ng IBA PANG ARAL na GALING MISMO sa SARILI NIYANG HAKA-HAKA.

At dahil HINDI SIYA TUMANGGAP ng ARAL MULA sa DIYOS at GAWA-GAWA LANG NIYA ang mga ARAL na DALA NIYA ay MALINAW na BAGSAK si SORIANO sa BATAYANG GINAMIT ni DBASE sa ITAAS.

BAGSAK si ELISEO SORIANO sa PAMANTAYAN ng JOHN 7:17.

At IYAN po ang nakikita kong dahilan kung BAKIT AYAW ni DBASE na PAG-USAPAN si ELISEO SORIANO.

MALALANTAD po kasi na ang ARAL na DALA RIN ni DBASE ay HINDI GALING sa DIYOS at GALING LANG sa TAONG si ELISEO SORIANO.


Source:  Eliseo Soriano bakit dapat pag-usapan?

Translation:Google Translate

No comments:

Post a Comment